“Basta siguraduhin mong maibibigay mo ang bayong na ‘yan sa boss namin. Nandyan na rin ang perang bayad namin sayo. Huwag na huwag ka nang tatawag ulit sa numerong ito. Magpalit karin ng numero mo, naiintindihan mo?” Turan ng lalaki sa kabilang linya.
“Masusunod ho,” Sagot ko. Ako si Pedro at kalauna’y nasa Maynila ako. Napag-utusan ako ng lalaking kausap ko sa telepono. Nagmula pa ako sa Laguna at sa totoo lamang, hindi ko alam ano ang laman ng bayong na ito. Basta’y tinanggap ko na lang ang inalok sa aking trabaho ng kapit-bahay ko. Magpapasko na rin kasi’t kailangan ko ng pera.
Pumara ako mula sa bus na aking sinasakya’t tinignan ang lugar na pagkikitaan namin ng kukuha nitong bayong na nasa kamay ko. Tirik ang araw ngunit patuloy lamang akong naglakad.
Sabi sa akin ay may kikitain raw akong lalaki sa may estatwa ni Rizal sa Luneta kaya naman dali dali akong pumunta rito. Nakaputi raw ito na may tatak na Adidas sa kaniyang damit. Hinanap ko ang lalaking kanilang inilarawan ngunit hindi ko ito makita. Maari’y dahil maaga ako kaysa sa napag-usapang oras kaya wala pa ito.
Ako’y naghintay lamang sa lugar ng tagpuan ng tahimik at patingin tingin lang sa paligid dahil baka naroon na ang lalaki, hindi ko lamang napapansin. Naalala ko bigla na sinabi sa akin na nasa loob rin raw ng bayong na ito ang bayad sa akin kaya naman ito’y sinilip ko.
Laman laman nito’y mga putting pakete. Hindi ko ito pinag-isipan ng kung ano dahil ang importante sa akin ay ang magiging halaga ng bayad sa akin. Hinalungkat ko ang laman ng bayong at nakita ko na sa wakas ang pera.
Ngunit ako’y nagtaka dahil sa dami nito. Maghahatid lamang naman ako ng isang bayong, bakit kailangang ganito ang laman nito?
Kinuha ko ng kaunti ang pera nang hindi ito nilalabas mula sa mismong bayong. Nakita kong may nakadikit ditong papel. “Manahimik ka’t kuhanin mo na lang ang pera,” ang nakasulat.
“Iyon po! Siya po!” Sigaw ng isang lalaki habang nakaturo sa akin. “Ano hong ako? Wala ho akong ginagawang masama!” Sigaw ko.
“Inaaresto ka namin.” Sabi ng pulis. “Inosente ako!”
Tsaka nito’y naglabas ng salamin ang pulis at aking nakita ang sariling nakadamit na puti’t may tatak na Adidas.
Si Pedro ang mismong dealer ng droga.
No comments:
Post a Comment